Sa ilalim ng programang "Huwarang Palengke 2024," muling sumailalim ang Pamilihang Bayan ng Angat sa masusing inspeksyon at balidasyon. Ang programang ito ay naglalayong makapagtatag ng mga pamantayang susundin ng bawat pamilihan, tulad ng pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, at pagsunod sa mga itinakdang alituntunin sa kalusugan at kaligtasan.
Higit pa rito, binibigyang-pansin ng Huwarang Palengke ang kahalagahan ng malinis at organisadong kapaligiran na nagbibigay ng mas ligtas at kaaya-ayang karanasan sa mga mamimili at mga tindero.
Commentaires