Matagumpay na isinagawa ang ikaapat na Quarterly Meeting ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng Angat, Bulacan noong nakaraang linggo sa Municipal Conference Hall. Pinangunahan ito ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMO) Carlos Rivera, na siyang nagbukas ng talakayan sa mga mahahalagang isyu at updates kaugnay ng disaster preparedness at response ng bayan.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga sumusunod:
1. Reading and approval of the last meeting;
2. Accomplishment Report;
a. Disaster Prevention and Mitigation
b. Disaster Preparedness
c. Disaster Responses
d. Disaster Rehabilitation and Recovery
3. Upcoming Projects, Programs, and Activities;
4. Weather Update for 4th Quarter of 2024;
5. Presentation of Camp Coordination and Camp Management and Internally�Displace Protection Plan;
6. Gawad KALASAG Results;
7. Other Matters.
Dumalo sa mahalagang pagpupulong si Punong Bayan Reynante S. Bautista, kasama si Konsehal Wowie Santiago at iba pang miyembro ng MDRRMC. Nakiisa rin ang mga kinatawan mula sa Civil Society Organizations (CSO), Angat Police Station (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at ilang opisyal mula sa iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan.
Layunin ng pagpupulong na tiyaking handa ang Bayan ng Angat sa anumang sakuna at patuloy na mapabuti ang mga programa ukol sa disaster risk reduction and management. Pinuri rin ang mga nagawa ng MDRRMC, partikular ang kanilang aktibong partisipasyon sa Gawad KALASAG.
Commenti