top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Ikatlong Quarterly Meeting ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council


Isinagawa sa Municipal Conference Hall ang ikatlong Quarterly Meeting ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) na naglalayong talakayin ang mga mahahalagang punto kaugnay sa disaster risk management sa ating bayan.

Ang pagpupulong ay nagsimula sa pagbabasa at pag-apruba ng mga tala mula sa nakaraang pulong, kasunod ang pagbibigay ng Accomplishment Report na tumalakay sa mga aspeto ng Disaster Prevention and Mitigation, Disaster Preparedness, Disaster Response, at Disaster Rehabilitation and Recovery.


Tinalakay din ang mga nakalaang proyekto, programa, at aktibidad para sa hinaharap, kabilang ang weather update para sa ikaapat na kwarter ng 2024. Bukod dito, ipresenta ang resulta ng Community Risk Assessment, at ang pag-apruba ng MDRRM Fund para sa taong 2025, pati na rin ang MDRRM Plan mula 2025 hanggang 2029.

Dumalo sa nasabing aktibidad ang ating Punong Bayan na si Reynante S. Bautista, kasama si Kon. Wowie Santiago at iba pang miyembro ng MDRRMC. Nakiisa rin ang mga kinatawan mula sa Civil Society Organizations (CSO), Armed Forces of the Philippines (AFP), Angat Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Red Cross, at ilang mga pinuno mula sa iba't ibang tanggapan ng pamahalaang bayan.

0 views0 comments

Commentaires


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page