Dumalo si Punong Bayan Reynante S. Bautista sa Pormal na Inauguration and Turnover Ceremony of Organic Vegetable Processing Facility sa Barangay Marungko.
Sa isang kaganapang pinangunahan ng ating Punong Bayan na si Reynante S. Bautista, ay binuksan ang bagong Organic Vegetable Processing Facility sa Barangay Marungko. Ang naturang pasilidad ay layong magproseso ng organikong harina at dehydrated na prutas at gulay, naglalayong magbigay ng malaking tulong sa mga magsasaka sa ating bayan. Ang suporta ng Pamahalaang Bayan sa proyektong ito ay patuloy na nagpapakita ng pagtitiwala sa industriya ng organikong pagsasaka at layunin nitong mapaunlad ang kalagayan ng ating mga magsasaka.
Kasama sa programa sina Dir. Bernadette F. San Juan, Ceso II (National Organic Agriculture Program Director), Dir. Eduardo Lapuz, Jr. (OIC Regional Executive Director), Engr. Leo Nicolas (kinatawan ng ating Congressman) at Kon. James Santos (kinatawan ng ating gobernador), Esperanza R. Oebanda(Secretary, Organic Farmers of District 6 Bul. Inc), Melba Dizon (Chairwoman, Organic Farmers of District 6 Bul. Inc). Sa pamamagitan ng ganitong mga hakbang, inaasahan na mas mapalakas ang sektor ng organikong pagsasaka at mas mapatatag ang kabuhayan ng ating mga magsasaka.
Comments