top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Indak at Galaw para sa Malusog na Pangangatawan


Nakiisa si Punong Bayan Reynante S. Bautista sa programang "Indak at Galaw para sa Malusog na Pangangatawan" na pinangunahan ng Municipal Health Office (MHO) sa ilalim ng pamamahala ni Dra. Guillerma Bartolome. Layunin ng programa na tulungan ang mga nakatatanda na mapanatili ang kanilang kalusugan sa pamamagitan ng masayang aktibidad ng Zumba.


Bilang bahagi ng kanilang suporta, namahagi ang lokal na pamahalaan ng 16 na speaker upang patuloy na makapag-Zumba ang mga senior citizen kahit sa kanilang mga tahanan. Kasabay nito, nagkaroon din ng Osteoporosis Screening at isang Lay Lecture tungkol sa kalusugan ng buto, na isinagawa ni Dr. Gene Margaret Dele Victoria mula sa Philippine College of Diabetes, Endocrinology and Metabolism (PCEDM). Ang mga nakatatanda ay nakatanggap din ng calcium supplements upang mapanatili ang kalakasan ng kanilang mga buto.


Ang programang ito ay bahagi ng mga inisyatibong pangkalusugan ng pamahalaan upang tiyakin na ang mga senior citizen ay nananatiling malusog at aktibo.

1 view0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page