ANGAT EVACUATION CENTER - Isinagawa ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang Information Education Campaign (IEC) para sa ating mga Senior Citizens at Person with Disabilities mula sa Barangay San Roque, Angat Bulacan na isinabay sa kanilang General Assembly.
Ang isinagawang IEC ay pinangunahan ni LDRRMO III Ma. Lourdes Alborida kung saan tinalakay ang mga dapat ihanda upang agad na makatugon sa kalamidad.
Nagbigay ang MDRRMO ANGAT ng booklet na naglalaman ng iba't - ibang impormasyon patungkol sa sakuna, mga paghahanda, at emergency numbers na maaaring tawagan.
Kasunod nito ay ang pagbibigay ng mga aid packs para sa ating mga Senior Citizen at Person with Disabilities na pinangunahan ng Barangay San Roque.
Kung kayo ay may emergency, tumawag lamang sa Angat Recue Team Hotline:
0923 926 3393
Laging maging Handa, Ligtas, at Panatag Angatenyo!
Comments