
Bumuo ng masiglang pagkakaisa ang labinlimang barangay sa ginanap na Inter-Barangay Two Day Volleyball League, isang makulay na pagtatanghal kung saan pinakita ng bawat manlalaro ang kanilang natatanging galing at kayayahan sa larangan ng volleyball.

Ang aktibidad na ito ay nagtagumpay na magdala ng masusing laban at kompetisyon sa Mens at Womens Division. Matindi ang labanang naganap, at tila ba ang bawat puntos ay nagbigay buhay sa kagitingan ng bawat koponan.

Bumisita ang Punong Bayan na si Reynante S. Bautista upang makiisa sa kasiyahang ito. Kasama rin niya sa pagdalo ang mga konsehal ng bayan, sina Konsehal Darwin Calderon, Konsehal Blem Cruz, Konsehal Ramiro Osorio at Konsehal William Vergel De Dios.
Comments