top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

International Day for Persons with Disabilities


Ang International Day for Persons with Disabilities ay isang taunang pagdiriwang tuwing ika-3 ng Disyembre. Layunin nito ang pagpapalaganap ng kamalayan at pag-unawa sa mga isyu ng kapansanan at pagmobilisa ng suporta para sa dignidad at karapatan ng mga taong may kapansanan sa buong mundo. Ito rin ay naglalayong palakasin ang kamalayan sa mga benepisyo ng pagtanggap ng mga taong may kapansanan sa lahat ng aspeto ng buhay, kabilang ang mga aspeto ng panlipunan, pang-ekonomiya, pangkultura at pampulitika.


Sa pagdiriwang ng International Day for Persons with Disabilities, nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa pagbibigay halaga at suporta sa lahat ng mga taong may kapansanan. Patuloy nating isulong ang pagkakaroon ng mga espasyo at oportunidad para sa lahat ng sektor ng ating bayan.

7 views0 comments

Recent Posts

See All

Rizal Day

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page