Ayon sa PAGASA at IPO Dam Management Main Operation Center, magpapawala po ang Ipo Dam ng tubig mamayang alas 8:00 ng gabi. Kaninang alas 4:00 PM ay nasa 100.63 m na po ang lebel ng tubig sa dam kung kaya’t inisyal itong magpapawala ng 60 cms ng nakaimbak na tubig.
Maging alerto po ang mga nasa mabababang bahagi ng ating bayan! Makipag-ugnayan agad sa inyong Sangguniang Barangay kung kinakailangan. Ang ating Municipal Evacuation Center po ay nakagayak para sa posibleng paglikas ng mga apektadong residente.
留言