ISANG BAYANG HANDA, ISANG PANATAG NA KOMUNIDAD
- Angat, Bulacan
- Mar 18
- 1 min read

Sumailalim sa pagsasanay si MGDH1 - MDRRMO G. Carlos R. RIvera Jr. sa Incident Command System Level 2 - Integrated Planning on Incident Command System (IPICS) upang maging epektibo ang pamamahala sa panahon ng sakuna.
Ang pagsasanay na ito ay pinangunahan ng Office of Civil Defense - Region III. Kasama sa aktibidad ang mga bayan mula sa ibang probinsya upang mapaigting ang nagkakaisang pagtugon sa kalamidad.
Binubuo ito ng limang araw na pagsasanay kung saan mas pinaiigting ang pagsasanay para sa mas malalim na kaalaman.
Ito ay isang pagpapakita ng isang patuloy na serbisyong publiko at sa isang Asenso na Bayan ng Angat.
Ang ama ng Bayan ng Angat at MDRRM Council Chairman Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista ay kaisa sa pagpapalakas sa bawat ahensya sa Bayan ng Angat.
Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087
Comments