Kaisa tayo sa pagsusulong ng malusog na pamumuhay at wastong nutrisyon para sa lahat. Ang lokal na pamahalaan po ay masigasig sa pagtutok sa nutrisyon ng bawat Angatenyo. Kaya naman isinakatuparan po natin ang pagkakaroon ng Super Health Center upang matugunan ang matagal nang daing na kakulangan ng ating komunidad sa primary healthcare services mula sa mga libreng check-up, bakuna, laboratoryo, at iba pang pangangailangan sa kalusugan.
Mayroon din tayong feeding programs para sa mga bata at pagbibigay ng libreng mga gamot. Sa paaralan, isinasagawa natin ang mga proyekto tulad ng community gardens na nagbibigay ng sariwang gulay sa ating estudyante ng kanilang pamilya. Kasama ng bawat sektor ng lipunan higit lalo sa pakikipagtulungan ng mga mamamayan, marami pong mga seminar ukol sa wastong nutrisyon at kalusugan ang ibinibigay natin.
Sama-sama nating ipagdiwang ang nutrisyong sapat para sa lahat sa pagkakaroon ng maayos na sistema ng kalusugan, pagpili ng masustansyang pagkain at regular na pag-ehersisyo. Para sa mas malusog, masigla at produktibong bayan ng Angat!
Commenti