Lubos na pasasalamat ang ipinaaabot ng pamahalaang bayan ng Angat sa Rice Competitiveness Enhancement Fund Program, Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization, at sa tanggapan ni Senator Cynthia Villar sa pagkakaloob ng mga makabagong makinarya—COMBINE HARVESTER at TRACTOR—na lubos na magpapahusay sa ating agrikultura.
Ang mga makinang ito ay magsisilbing tulay tungo sa mas maunlad at modernong pagsasaka. Sa tulong ng libreng paggamit ng mga kagamitang ito, mabibigyan ng pagkakataon ang ating mga magsasaka na makatipid ng oras at lakas, na magbubukas ng mas maraming oportunidad sa kanila para sa mas malaking ani at kita.
Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, titiyakin natin na bawat makinaryang handog ay gagamitin para sa pag-usbong ng bawat sakahan at pag-unlad ng kabuhayan ng mga magsasakang Angatenyo.
Comments