Ang ating Punong Bayan Reynante Bautista, Kon. William Vergel De Dios, at Kon. Darwin Calderon ay nakiisa sa isinagawang Community-Based Skills Training na lumikha ng mga Handicrafts mula sa Waterlily. Dalawampu’t dalawang indibidwal ang naturuan at naging benepisyaryo ng makabuluhang gawaing ito.
Maaalala na noon lamang ika-22 ng Abril kasabay ng pagdiriwang ng Earth Day 2023 ay nagsagawa ng malawakang River Clean-Up Drive sa bahagi ng ilog na nasasakupan ng Brgy. Niugan at Donacion.
Bilang solusyon sa problema ng mga mangingisda sa lugar sanhi ng waterlily sa paligid nito, nakitaan ito ng ating Pamahalaan ng potensyal na kapakinabangan gayundin ang mapagkukunan ng kita at kabuhayan ng ating mamamayan. Ang mga nakuhang waterlily ay napagsanayan ng bawat benepisyaryo sa paglikha ng bag mula sa materyales na aakalain nating wala ng mapaggagamitan.
Comments