top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

KADIWA NG PANGULO


๐Š๐€๐ƒ๐ˆ๐–๐€ ๐๐† ๐๐€๐๐†๐”๐‹๐Ž: ๐’๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐‹๐จ๐ค๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐ซ๐จ๐๐ฎ๐ค๐ญ๐จ ๐š๐ญ ๐Š๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐€๐ง๐ ๐š๐ญ๐ž๐ง๐ฒ๐จ! ๐ŸŒพ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ


Nakiisa ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista sa pormal na pagbubukas ng KADIWA NG PANGULO na ginanap sa Angat Food Park! Layunin ng programang ito na bigyan ng suporta ang ating mga magsasaka, mangingisda, at lokal na negosyante.


Dinaluhan ito ng 10 merchants mula sa ibaโ€™t ibang parte ng Bulacan, na nagbahagi ng kanilang de-kalidad na lokal na produkto. Ang inisyatibong ito ay pinangasiwaan ng Municipal Agriculture Office sa pamumuno ni Keanne Cyrene Mangcucang at katuwang ang ating BPLO Yral Calderon.


Dumalo rin sa programa sina Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, Kon. Blem Cruz, Kon. Wowie Santiago, OIC Municipal Administrator Gia Janelle Vergel De Dios, at ilang mga Punong Barangay.


Suportahan natin ang mga lokal na produkto at ang ating mga kababayan!

0 views0 comments

Commentaires


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page