top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Kalusugan ng Kalalakihan at Ama ng Tahanan, Pinapahalagahan sa Angat


KATROPA 2023

June 14 - July 14, 2023


Sa pagdiriwang ng Buwan ng Kalusugan ng mga Kalalakihan nitong Hunyo 2023, na ang Tema ay: "Pars, Kalusugan mo Mahalaga sa Pamilya mo", isinagawa ng Commission on Population and Development (CPD) - Angat (sa ilalim ng tanggapan ng MSWD) ang KATROPA (Kalalakihang Tapat sa Responsibilidad at Obligasyon sa Pamilya) Movement sa 16 na barangay ng bayan ng Angat kung saan ang nakilahok ay ang mga Barangay Tanod, Barangay Kagawad at Barangay Justice. Ang nasabing programa ay pinangunahan ni MPPO I Ludy Clemente katuwang ang ating faith-based partner na si Ptr. Bong Padilla. Layunin nito na bigyang pansin ng mga kalalakihan, ama at haligi ng tahanan ang kanilang kalusugan at maging katuwang sila ng kanilang may bahay sa pagiging Responsableng Magulang at Pagpaplano ng Pamilya.


Taos puso po ang pasasalamat ng Tanggapan ng Komisyon sa Populasyon at Pagpapaunlad - Angat sa pakikiisa at tulong na ibinigay ng mga Punong Barangay at Kalihim ng Barangay upang maging matagumpay ang KATROPA Movement 2023! Mabuhay po kayo! God bless!


6 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page