top of page
bg tab.png

Kalsadang Maputik Noon, Sementado na Ngayon sa Barangay Encanto

Writer: Angat, BulacanAngat, Bulacan

Isang malaking pagbabago ang hatid ng proyektong concreting ng barangay road sa Sitio Kalawakan, Barangay Encanto. Ang dating maputik at lubak-lubak na daan ay ngayon ay sementado na, dahilan upang magpasalamat ang mga residente sa lokal na pamahalaan.


Isa sa mga nagpahayag ng kanyang pasasalamat ay si Maria Cristina Arinal. Ayon sa kanya, “Ako po ay nagpapasalamat kay Mayor. Yung aming kalsada na dati ay maputik at lubak-lubak, ngayon ay masisemento na. Malaking tulong ito sa amin dito sa Brgy. Encanto.”


Ang proyekto ay bahagi ng isinagawang Umpukan at Ugnayan (Community Project Monitoring & Assessment) sa Sitio Kalawakan. Pinangunahan ito ni Punong Bayan Reynante S. Bautista, kasama si Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, mga kasapi ng Sangguniang Bayan, at mga opisyal ng Barangay Encanto.


Layunin ng naturang aktibidad na hindi lamang bisitahin ang mga proyekto kundi alamin din ang iba pang pangangailangan ng mga mamamayan. Sa kasalukuyan, kabilang sa pangunahing proyekto sa Sitio Kalawakan ang concreting ng barangay road na may habang 135 metro.

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page