Ang Angat PNP sa pangunguna ng ating Acting PNP Chief of Police na si PMAJ Kiddie DC Balasolla ay nag-organisa ng isang pagpupulong na ginanap sa ating Municipal Conference Room ukol sa programang "KaSimbaYanan" (Kapulisan Simbahan Pamayanan Tungo sa Kaunlaran) na naglalayong pagtibayin ang ugnayan ng kapulisan sa mga iba’t ibang religious groups. Ang mga naturang programa ay higit at tunay na makatulong sa mga miyembro, pulisya at maging sa komunidad.
Kasama sa mga dumalo ang Chairman ng Liga ng mga Barangay Richard C. Cruz, Pastor Lauro Mangulabnan, Kon. Andrew Tigas, Kon. William Vergel De Dios, at OIC-MLGOO Mary Joy V. Nabor.
Ninanais din ng programa na maisaayos ang komunidad at patuloy na itaguyod ang kapayapaan, upang matiyak na ang bawat mamamayan ay sumusunod sa batas.
Comments