
Isang matagumpay na araw ng serbisyong publiko ang isinagawa sa Barangay Sto. Cristo sa ilalim ng programang "Konsultasyon, Kalinga, Kape (KKK) People’s Day." Pinangunahan ito ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, mga Miyembro ng Sangguniang Bayan, at Bokal Jay De Guzman.
Ang naturang programa ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Barangay ng Sto. Cristo sa pangunguna ni Kapitan Ernesto Sarmiento, na naging katuwang ng pamahalaang lokal sa pagbibigay ng iba’t ibang serbisyo para sa mamamayan.
Mga serbisyong hatid ng pamahalaang lokal:
- MOBILE BOTIKA
- PHILHEALTH REGISTRATION
- PNEUMONIA VACCINE
- MEDICAL ASSISTIVE DEVICE
- AICS
- SENIOR CITIZEN'S ID
- PWD ID
- SOLO PARENT'S ID
- JOB & LIVELIHOOD SEEKERS' CORNER
- MOBILE PRINTING SERVICE
- PSA Document Certificate Application (Birth, Marriage, Cenomar, etc.)
Daan-daang residente ng Barangay Sto. Cristo ang nakinabang sa libreng serbisyo, na layong mapalapit ang pamahalaan sa taumbayan. Patuloy na magsasagawa ng ganitong mga inisyatiba ang lokal na pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng bawat mamamayan at masiguro ang maayos at mabilis na serbisyong publiko.
Comments