
Matagumpay na naisagawa ang Konsultasyon. Kalinga. Kape. (KKK) People’s Day sa Barangay Niugan, na naghatid ng iba’t ibang serbisyo mula sa pamahalaang lokal upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.
Kabilang sa mga serbisyong ibinigay ang Mobile Botika, PhilHealth Registration, Pneumonia Vaccine, Medical Assistive Device, at Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS). Nagkaroon din ng pamamahagi ng Senior Citizen’s ID, PWD ID, at Solo Parent’s ID.
Para sa mga naghahanap ng trabaho at kabuhayan, nagkaroon ng Job & Livelihood Seekers’ Corner. Nagsagawa rin ng Mobile Printing Service para sa mga dokumentong kinakailangan ng mga residente.
Ang programa ay dinaluhan ni Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Pinasalamatan din ang Sangguniang Barangay ng Niugan sa pamumuno ni Kapitan Roberto Maximo sa pakikipagtulungan upang maging maayos at matagumpay ang programa.
Ang People’s Day ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng lokal na pamahalaan na maghatid ng dekalidad na serbisyo sa bawat mamamayang Angateño.
Komentarze