top of page
bg tab.png

Konsultasyon, Kalinga, Kape (KKK) People's Day Isinagawa sa Barangay Sulucan


Sa patuloy na pagsusumikap na mailapit ang mga serbisyo ng pamahalaang bayan sa mga mamamayan at matugunan ang kanilang mga pangangailangan, matagumpay na isinagawa ang Konsultasyon, Kalinga, Kape (KKK) People’s Day sa Barangay Sulucan. Pinangunahan ni Punong Bayan Reynante S. Bautista ang nasabing aktibidad, kasama si Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at ang Sangguniang Barangay ng Sulucan sa pamumuno ni Kapitan Eric Cruz.

Ang KKK People’s Day ay naglalayong maghatid ng iba’t ibang serbisyo mula sa pamahalaang lokal upang direktang matugunan ang mga pangangailangan ng mga residente. Kabilang sa mga serbisyong ibinigay sa Barangay Sulucan ang:

 • Mobile Botika

 • PhilHealth Registration

 • Pneumonia Vaccine

 • Medical Assistive Device

 • Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS)

 • Pagkuha ng Senior Citizen’s ID

 • Pagkuha ng PWD ID

 • Pagkuha ng Solo Parent’s ID

 • Job & Livelihood Seekers’ Corner

 • Mobile Printing Service

 • Pagproseso ng mga dokumento mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) tulad ng Birth, Marriage, at Cenomar

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page