top of page
bg tab.png

Konsultasyon. Kalinga. Kape. (KKK)People’s Day sa Barangay Binagbag

Writer: Angat, BulacanAngat, Bulacan

Isang araw ng bukas na ugnayan, malasakit, at agarang aksyon ang hatid ng KKK: Konsultasyon, Kalinga, Kape – People’s Day sa Barangay Binagbag!


Sa programang ito, personal nating nakasama at nakapakinig sa hinaing at pangangailangan ng ating mga kababayan. Kasabay ng mainit na kape, nagkaroon ng direktang talakayan sa pagitan ng mamamayan at mga lingkod-bayan upang mas epektibong maihatid ang tamang serbisyo at solusyon sa komunidad.


Kasama rin sa programa ang pagbibigay ng iba’t ibang libreng serbisyo mula sa pamahalaang lokal, tulad ng medical assistance, dokumentasyon, at iba pang pangunahing pangangailangan ng barangay.


Dahil sa mas bukas na konsultasyon, mas matibay ang ating pagkakaisa tungo sa mas maunlad at progresibong Barangay Binagbag

Comentários


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page