top of page
bg tab.png

KONSULTASYON. KALINGA. KAPE (KKK) PEOPLE’S DAY SA BARANGAY NIUGAN!

Writer's picture: Angat, BulacanAngat, Bulacan

Sa patuloy na pagbibigay ng direkta at agarang serbisyo sa mamamayan, matagumpay na isinagawa ang K.K.K: Konsultasyon, Kalinga, Kape – People’s Day sa Barangay Niugan!


Isa itong bukas na pag-uusap, malasakit, at tunay na aksyon para sa ating mga kababayan. Sa programang ito, natugunan ang iba’t ibang isyu at pangangailangan ng komunidad sa pamamagitan ng malaya at direktang diskurso. Nagkaroon din tayo ng masayang talakayan sa pagitan ng mamamayan at mga opisyal ng bayan — lahat habang nagkakape at nagkakaisa para sa mas maunlad na Angat!


Ilan din sa mga serbisyong ibinaba natin mula sa pamahalaang lokal ay ang mga sumusunod:

✅ MOBILE BOTIKA – Libreng gamot para sa mga nangangailangan

✅ PHILHEALTH REGISTRATION – Pagpapadali ng PhilHealth membership

✅ PNEUMONIA VACCINE – Libreng bakuna para sa kalusugan ng mga mamamayan

✅ MEDICAL ASSISTIVE DEVICE – Wheelchair, tungkod, at iba pang tulong para sa may kapansanan

✅ AICS – Agarang tulong pinansyal para sa mga nangangailangan

✅ SENIOR CITIZEN’S ID – Mabilis at madaling pagkuha ng ID para sa nakatatanda

✅ PWD ID – Suporta para sa ating mga kababayang may kapansanan

✅ SOLO PARENT’S ID – Pagkilala at benepisyo para sa mga solo parents

✅ JOB & LIVELIHOOD SEEKERS’ CORNER – Oportunidad para sa trabaho at kabuhayan

✅ MOBILE PRINTING SERVICE – Libreng pag-imprenta ng mahahalagang dokumento

✅ PSA DOCUMENT CERTIFICATE APPLICATION – Tulong sa pagkuha ng birth certificate, marriage certificate, CENOMAR, at iba pa


Dahil sa isang gobyernong bukas sa pakikinig at kumikilos para sa bayan, #AsensoAtReporma ang ating matitiyak!

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page