top of page
bg tab.png

KONSULTASYON. KALINGA. KAPE (KKK)PEOPLE’S DAY SA BARANGAY STO. CRISTO!

Writer: Angat, BulacanAngat, Bulacan

Patuloy nating inilalapit ang mabilis at direktang serbisyo sa bawat mamamayan! Tagumpay ang K.K.K: Konsultasyon, Kalinga, Kape – People’s Day sa Barangay Sto. Cristo, isang araw ng bukas na usapan, malasakit, at konkretong aksyon para sa ating komunidad.

Sa programang ito, nagkaroon ng direkta at malayang diskurso sa pagitan ng ating mga kababayan at mga opisyal ng bayan—kasabay ng masayang talakayan at mainit na kape, nagkakaisa tayo para sa mas maunlad na Angat!


Narito ang ilan sa mga libreng serbisyong hatid ng ating pamahalaan:

 MOBILE BOTIKA – Libreng gamot para sa mga nangangailangan

 PHILHEALTH REGISTRATION – Mas pinadali ang PhilHealth membership

 PNEUMONIA VACCINE – Libreng bakuna para sa mas matibay na kalusugan

 MEDICAL ASSISTIVE DEVICE – Wheelchair, tungkod, at iba pang tulong para sa PWDs

 AICS – Agarang tulong pinansyal para sa mga nangangailangan

 SENIOR CITIZEN’S ID – Mabilis at madaling proseso para sa ating nakatatanda

 PWD ID – Suporta para sa ating mga kababayang may kapansanan

 SOLO PARENT’S ID – Pagkilala at benepisyo para sa mga solo parents

 JOB & LIVELIHOOD SEEKERS’ CORNER – Oportunidad para sa trabaho at kabuhayan

 MOBILE PRINTING SERVICE – Libreng imprenta ng mahahalagang dokumento

 PSA DOCUMENT CERTIFICATE APPLICATION – Tulong sa pagkuha ng birth certificate, marriage certificate, CENOMAR, at iba pa

Dahil sa isang gobyernong tunay na nakikinig at kumikilos para sa bayan, #AsensoAtReporma ang ating patuloy na isusulong!

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page