
Mainit na kape, bukas na usapan, at serbisyong totoo — ito ang hatid ng Konsultasyon, Kalinga, Kape (KKK) sa Barangay Sulucan!
Sa pagtitipong ito, hindi lang simpleng pakikipag-ugnayan ang layunin, kundi ang makinig, maramdaman, at matugunan ang tunay na pangangailangan ng mga kababayan natin sa Sulucan.
Kasama ang iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang lokal, naghatid tayo ng mga serbisyo tulad ng medical check-ups, ID processing, social services, at iba pa, habang pinalalalim ang ugnayan sa komunidad sa isang maaliwalas at makabuluhang usapan.
Dito sa Sulucan, pinatunayan natin: ang epektibong pamumuno ay nagsisimula sa pakikinig at malasakit. #AsensoAtReporma
Comments