top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Lakan at Lakambini ng GulayAngat 2022

Updated: Sep 8, 2022



Ang Lakan at Lakambini ng GulayAngat 2022 ay bukas para sa lahat ng lalaki at babae na nagtatangi ng mga sumusunod na kwalipikasyon:

(1) Lehitimong mamamayan at naninirahan sa bayan ng Angat; (2) Walang kasunduang nilagdaan sa Pambansa o lokal na istasyon ng telebisyon o iba pang media outfit; (3) Dalaga o Binata at walang anak (4) 18-24 taong gulang (5) Taas at Timbang: Para sa lalaki, hindi bababa sa 5’8” ang taas at may timbang na angkop sa kanyang taas. Para sa babae, hindi dapat bababa sa 5’ 3” ang taas at may timbang na angkop sa kanyang taas. (6) May maayos na katayuan sa kanyang barangay at nasa normal na pag-iisip.


MGA KATEGORYA NG PATIMPALAK


Pre-Pageant Activities

Magkakaroon ng Pre-Pageant Activities para sa Talent, Swimwear at Casual Interview ilang araw bago ang mismong araw ng patimpalak. Ang bawat kalahok ay nararapat na maghanda ng kani-kanilang talento. Ito ay bukas sa lahat ng konsepto na nagsasaad ng pagiging orihinal at malikhain ng kanilang palabas maliban na lamang sa malalaswa at marahas na panoorin. Bawal gumamit ng matatalas at nakamamatay na bagay bilang props. Dapat na nakaangkla rin sa tema ng selebrasyon ang talentong kanilang ipamamalas. Huhusgahan ito batay sa sumusunod na pamantayan:

30% - Originality & Creativity

30% - Skills & Execution

20% - Stage Presence & Overall erform

20% - Audience Impact

100% - TOTAL


Para naman sa Swim Wear Competition, huhusgahan sila batay sa sumusunod na Pamantayan:

25% - Attractiveness & Stage Pretence

25% - Lifestyle Statement of Strong Physical Health

25% - Walk, Posture, Poise & Grace

25% - Sense of Confidence & Composure

100% - TOTAL


Isasagawa rin ang Casual Interview bago ang mismong araw ng patimpalak. Ipapalabas ang highlight ng footage sa mismong araw ng patimpalak kasabay ng Opening Production Number. Susukatin din ng mga hurado ang kanilang husay sa pamamagitan ng sumusunod na Pamantayan:

40% - Delivery/Confidende

50% - Advocacy Speech Content

10% - Audience Impact

100% - TOTAL


Festival Costume

Kinakailangang ang Festival Costume ay nakaayon sa tema ng pagdiriwang ng Foundation Day. Gawa dapat ito sa 80% recyclable at indigenous materials. Ang markang makakamit mula sa kategoryang ito ay bubuo ng 20% ng Semi-Final na Marka:

30% - Craftsmanship & Originality

30% - Cultural Value & Relevance

20% - Visual Aesthetics Quality

10% - Wearability/Functionality

30% - Overall Impact

100% - TOTAL


Final Five

Mula sa markang natamo sa Pre-Pageant Activities at sa Festival Costume ay pipiliin ang unang lima na makakakuha ng pinakamataas na marka. Sila ang makakabilang sa Final Five na magkukumpitensya sa pagsungkit ng korona ng LAKAN at LAKAMBINI.

20% - Festival Costume

15% - Beauty of Face & Figure

15% - Choreography, Creativity & Style

15% - Projection & Gracefulness

15% - Content & Mastery of Opening Spiel

20% - Intelligence &Wittiness (Advocacy Speech)

100% - TOTAL


Para naman sa Huling bahagi ng paghuhusga, mamarkahan ang Final Five ng mga hurado batay sa sumusunod na Pamantayan:

40%Social Media Impact

60% - Intelligence (Q&A)

100% - TOTAL


Mga Gantimpala: P20,000 + KORONA + SASH (each) LAKAN AT LAKAMBINI NG GulayAngat 2022

P15,000 + KORONA + SASH UNANG KARANGALAN

P10,000 + KORONA + SASH IKALAWANG KARANGALAN

P2,000 + CERTIFICATE CONSOLATION

SPECIAL PRIZES (P5,000 + CERTIFICATE + SASH) Best in Swimwear Best in Talent Best in Casual Wear Mr & Ms. Popularity Mr. & Ms. Photogenic Best in Advocacy Speech

Para sa iba pang detalye at pagpapatala, maaari po kayong makipag-ugnayan sa mga Secretary ng ating Sangguniang Barangay.


328 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page