top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Laro ng Laking GulayAngat

Updated: Sep 8, 2022


Ang laro ng bawat lahi ay pagkakakilanlan ng grupong kanilang kinabibilangan. Hinuhubog nito ang isang masining na kaisipan at damdamin. Hinuhubog rin nito ang mga ugali at determinasyon ng isang lipi. Ang laro ng lahi ay simbolo ng ating pagka-Pilipino.


Mga Palaro: Hilahang Lubid Karera ng Sako Patintero Palo Sebo Agawang Biik Sepak Takraw


PATAKARAN AT REGULASYON

1.Bukas ang kompetisyon sa mga lehitimong Angatenyo na naninirahan sa 16 na barangay ng Angat.

2.Bawat barangay ay maaaring magsali ng kanilang grupo na bubuuin ng 20-30 katao na may ibal ibang kasarian at may edad na 15-30 taong gulang.

3.Maaaring magpatala ang mga interesadong sumali sa kanilang barangay at ipasa ang kopya ng valid ID at kopya ng Pahintulot ng Magulang/Tagapangalaga kung menor-de-edad ang kalahok.

4.Itatakda ng Komite ang kulay ng uniporme ng bawat barangay na siyang magiging pagkakakilanlan ng bawat grupo.

5.Bawat laro ay may katumbas na puntos. Ang unang tatlong makakatapos lamang ang bibigyan ng grado samantalang ang mga hindi umabot ay walang makakamit na grado.

First Placer - 3 pts

Second Placer - 2 pts

Third Place - 1 pt

Remaining Team - 0


Ang grupo na makakakuha ng pinaltamataas na

puntos ang tatanghaling Kampeon mula sa pinagsama-samang puntos sa bawat laro.


Mga Gantimpala: P30,000 + TROPHY KAMPEON

P20,000 + TROPHY UNANG KARANGALAN

P15,000 + TROPHY IKALAWANG KARANGALAN

P10,000 + TROPHY BEST IN UNIFORM

P5,000 + CERTIFICATE CONSOLATION


Para sa iba pang detalye at pagpapatala, maaari po kayong makipag-ugnayan sa mga Secretary ng ating Sangguniang Barangay.


20 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page