Tinanghal na Pangkalahatang Kampeyon ang Barangay Paltok sa ginanap na Laro ng Laking GulayAngat 2022 na nakapaloob sa mga programa ng aktibidad sa ating GulayAngat Festival 2022. Pumangalawa sa Kumpetisyon ang Barangay San Roque at pumangatlo naman ang Barangay Marungko.
Punong puno ng kasiyahan ang mga palarong kinabibilangan ng Patintero, Agawang Biik, Hilahang Lubid, Palo Sebo, Karera ng Sako at Sepak Takraw. Bagamat may mga hindi pinalad na magwagi, masasabing ang lahat ay matagumpay na umuwi baon ang kasiyahan at aral mula sa pagtitipon.
Ibibigay ang premyo ng tatlong barangay sa Oktubre 24, sa parogramang paglalagom sa mismong araw ng pagsilang ng Bayan ng Angat.
Comments