top of page
bg tab.png

LIBRENG MAKINARYA AT TRAKTORA SA PAGSASAKA

Writer's picture: Angat, BulacanAngat, Bulacan

Bilang bahagi ng pagsuporta sa sektor ng agrikultura ang inisyatiba na humingi ng karagdagang makinarya at libreng traktora para sa mga magsasaka sa bayan ng Angat. Ang hakbang na ito ay naglalayong mapabilis at mapagaan ang kanilang mga gawain sa bukid, kasabay ng pagpapataas ng ani at kita ng bawat magsasaka.


Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Department of Agriculture (DA) at iba pang ahensiya ng pamahalaan, matagumpay na naiparating ang pangangailangan ng mga magsasaka ng Angat. Nagresulta ito sa pagkakaloob ng makinarya tulad ng mga traktora, hand tractors, rice threshers, at iba pang kagamitan na maaaring magamit nang libre ng mga magsasaka sa kanilang pagtatanim at pag-aani.


Bukod dito, naglunsad din ng libreng pagsasanay para sa tamang paggamit ng mga makinarya upang masigurong epektibo at maayos ang operasyon nito. Ang lokal na pamahalaan ay patuloy na naglalaan ng pondo at nagsisikap na palawakin ang ganitong mga programa upang tiyakin na walang magsasaka ang maiiwan.


Dahil sa bayan ng Angat, mahalaga ang bawat magsasaka. Patuloy nating susuportahan ang agrikultura tungo sa mas masaganang ani at mas maunlad na buhay para sa lahat.�

1 view0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page