Masiglang sinimulan ang linggo ng pagsasagawa ng Pamahalaang Bayan ng Angat ng lingguhang Flag Raising Ceremony na pinangunahan ng mga kawani mula sa Municipal Planning and Development Office (MPDO).
Ito ay dinaluhan ng ating Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Igg. Arvin L. Agustin, mga Konsehales, mga Pinuno ng mga Tanggapan, Angat BFP, Angat PNP at mga kawani ng iba't ibang departamento.
Ang lahat ng kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Angat ay patuloy na maglilingkod ng buong kakayahan, may malasakit sa ating bayan at tinitiyak na maibibigay ng wasto at tama ang serbisyong kinakailangan ng bawat mamamayang Angateño.
Comments