Pagdaraos ng lingguhang Flag Raising Ceremony sa pangunguna ng mga kawani mula sa Municipal Assessor Office.
Dinaluhan ito ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin L. Agustin, Sangguniang Bayan Members, mga Pinuno ng Tanggapan, Angat PNP, Angat BFP at lahat ng empleyado ng Pamahalaang Bayan ng Angat.
Sa pamamagitan ng lingguhang pagtataas ng watawat, nasasariwa ang mga tungkulin at gampanin ng pagiging isang Lingkod Bayan upang patuloy na maihatid sa mamamayan ang nararapat na serbisyo at matugunan ng wasto ang kanilang mga pangangailangan.
Comments