Ang pagdaraos ng unang pagtataas ng watawat ngayong 2025 sa pangunguna ng ating Angat PNP at ito ay sinundan ng isang Banal na Misa sa pangunguna ni Rev. Msgr. Manuel Villaroman. Nakiisa ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin L. Agustin, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga Pinuno ng Tanggapan, Angat BFP at lahat ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Angat.
Ibinahagi sa homilya, “Ang ating buhay ay lagi nating i-ayon sa kalooban ng Diyos upang ang lahat ng ating sasabihin, lahat ng ating gagawin ay ating manahan sa piling ng Panginoon. Bagong taon bagong buhay, isang pagsisimula ng hindi natin nagawa. Ito ang panibagong taon ng ligaya, pagasa, pagmamahalan at pagiging kalugod-lugod sa paningin ng Panginoon”. – Mons. Manny Villaroman
Comments