
Ang lingguhang pagtataas ng watawat ay pinangunahan ng mga kawani ng Municipal Planning & Development Office (MPDO) ngayong Lunes sa munisipyo ng Angat. Dumalo rito si Punong Bayan Reynante S. Bautista kasama si Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga pinuno ng bawat tanggapan, Angat PNP, Angat BFP, at mga kawani ng pamahalaang bayan.
Pagkatapos nito, ginanap ang pagbabasbas sa bagong ambulansya na ipinagkaloob ng Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng pagsisikap ni Cong. Salvador Pleyto. Kasama rin na binasbasan ang Patient Transport Vehicle na nakuha mula sa Local Government Support Fund.
Comments