Sa isang makabuluhang hakbang tungo sa pagpapahalaga sa sektor ng katandaan, isinagawa ang pamamahagi ng Local Social Pension Payout para sa mga senior citizens sa bayan ng Angat.
Sa datos na inilabas ng Pamahalaang Bayan, umabot sa 1250 na senior citizens ang nakatanggap ng kanilang pensyon para sa unang semester ng taong kasalukuyan. Ang nasabing programa ay pinangunahan ni MSWDO Menchie Bollas, kasama ang mahalagang tulong mula sa mga kawani ng Municipal Treasurer's Office at mga Daycare Teachers.
Ito ay sinuportahan at aktibong dinaluhan ng lokal na pamahalaan, na pinamumunuan ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, at mga Sangguniang Bayan members, ang nasabing pagpapamahagi ng pensyon.
Ayon kay Punong Bayan Bautista, ang sektor ng katandaan ay isa sa mga pangunahing prayoridad ng Pamahalaang Bayan, kaya't patuloy na binibigyan ito ng pansin at pagkakataon na makakuha ng mga benepisyo at suporta. Ang mga programa at proyektong tulad ng Local Social Pension Payout ay naglalayong magbigay ng tulong at ginhawa sa bawat senior citizen sa Bayan ng Angat.
Comments