Isang maagang pamasko ang natanggap ng 380 Jowable Scholars sa pamamagitan ng kanilang scholarship payout. Ang inisyatibong ito ay naglalayong magbigay-suporta sa mga kabataang nag-aaral na bahagi ng programang pang-edukasyon ng ating pamahalaan.
Ang programang pangkabataan na ito ay pagkilala sa kanilang pagsusumikap at dedikasyon sa pag-aaral. Patunay ito na ang edukasyon ay nananatiling pangunahing prayoridad ng ating liderato, na naglalayong bigyan ng mas maliwanag na kinabukasan ang mga kabataan ng ating bayan.
Patuloy nating palawigin ang #AsensoAtReporma sa mga kabataan upang ang bawat nangangarap na estusyante ay makapagtapos ng pag-aaral.
Comentários