Dumalo ang ating Punong Bayan Reynante Bautista sa inilunsad na Training on the Preparation of Municipal Water Supply and Sanitation Master Plan (MWSSMP) sa Berks Cafe, Marungko, Angat, Bulacan.
Binigyang pansin sa programa ang mga sumusunod:
- Partnership of Angat LGU and Angat Water District on providing pipeline water supply services (Level III) at Brgy. Banaban, Brgy. Baybay, and other remote areas within Angat
- Improvement of Toilet/Sanitation Facilities within the community specially households near waterways.
- Provision of sufficient drinking and toilet facilities for public schools
- Strengthen the Information and Education Campaign regarding Solid Waste Management.
Nakiisa din sina Kon. Blem Cruz, Kon. Darwin Calderon, Kon. William Vergel De Dios, MLGOO Carla Marie T. Alipio, mga kawani mula sa MENRO, MEO, MPDO, MSWD, RHU, gayundin ang mga miyembro ng Civil Society Organization.
Layunin ng pagsasanay na palawigin ang kapasidad ng mga kawani sa larangan ng pagpaplano at paggawa ng programa para sa maayos na suplay ng tubig at sanitasyon ng bawat tahanan sa ating bayan. Ang Pamahalaang Bayan ng Angat ay nagpapasalamat sa mga dumalo at nagbahagi ng kanilang kaalaman upang maging matagumpay ang programa.
コメント