400 na residente ng Angat ang sumailalim sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Orientation na pinangunahan ng mga kawani mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Ang TUPAD ay isang programa ng DOLE na naglalayong magbigay ng pansamantalang hanapbuhay sa mga kababayan nating mahihirap at nawalan ng trabaho. Layunin ng programang ito na matulungan ang mga benepisyaryo na makabangon mula sa kanilang kasalukuyang kalagayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pansamantalang trabaho at pagsasanay.
Ang Pamahalaang Bayan ng Angat, sa pangunguna ni Punong Bayan Reynante S. Bautista, ay nagpahayag ng pasasalamat kay Senator Joel Villanueva sa kanyang walang sawang suporta at patuloy na pagbibigay ng makabuluhang programa na labis na pinakikinabangan ng bawat Angateño.
Comments