
Mahigit kumulang 961 miyembro ng ibat ibang Tricycle Drivers Association ang dumalo sa ginanap na Angat Toda Assembly sa Municipal Gymnasium upang personal na matanggap ang kanilang libreng Motorized Tricycle Operator’s Permit (MTOP) na handog ng Pamahalaang Bayan ng Angat, sa pangunguna ni Punong Bayan Reynante S. Bautista.
Layunin ng programang ito na matulungan ang mga tricycle operators na magkaroon ng maayos at legal na operasyon sa kanilang pamamasada sa bayan ng Angat. Sa pamamagitan ng libreng MTOP, mabibigyan sila ng karapatan at seguridad sa kanilang hanapbuhay, na lubos na pinahahalagahan ng lokal na pamahalaan.
Dumalo rin sa nasabing programa si Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, kasama ang mga Sangguniang Bayan Members at si Bokal Art Legaspi na patuloy na sumusuporta sa mga programa para sa kapakanan ng mga tricycle operators sa bayan.
Comments