Ang Iglesia Ni Cristo ay isang haligi ng pananampalataya at kabutihan sa ating lipunan. Sa loob ng maraming taon, naging ilaw kayo ng moralidad at malasakit, nagbukas ng mga pinto ng pag-asa at pagbabago sa buhay ng maraming tao.
Sa pamamagitan ng inyong mga aral at mga aktibidad, maraming miyembro ang natutulungan na magkaroon ng mas malalim na koneksyon sa Diyos at mas makabuluhang buhay. Lubos din po nating kinikilala ang inyong pagtataguyod ng pagkakaisa sa pamamagitan ng mga proyektong pangkawanggawa at mga programa para sa kapakanan ng lahat na nagpapakita ng tunay na diwa ng malasakit at bayanihan. Ang inyo pong presensya ay nagdudulot ng positibong pagbabago sa ating lipunan at nagiging inspirasyon sa iba pang mga samahan at indibidwal.
Nawa'y patuloy kayong gabayan at pagpalain sa inyong mga adhikain at layunin. Maligayang anibersaryo at mabuhay po kayo!
Comments