Kasabay ng pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa (Labor Day) ay ipinagdiriwang din sa Barangay Sulucan ang Kapistahan ni San Jose, ang Patron ng mga Manggagawa at ng Pandaigdigang Simbahan.
Sinimulan noong 1955 ang pagdiriwang na ito nang italaga ni Pope Pio XII ang Pista ni San Jose Labrador upang bigyan ng espiritwal na kahulugan ang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa. Ayon sa kanya, ang mga manggagawa ay mayroong pastol, tagapagtanggol at ama sa katauhan ni San Jose, ang ulirang mangagagawa mula sa Nazareth na nanindigan bilang ama at tagapaghubog ni Hesus at tagapagtaguyod ng Banal na Pamilya. Bilang isang Ama ng tahanan na naghahanapbuhay bilang karpintero, itinuro niya kay Hesus kung paano maghanapbuhay sa marangal na paraan. Kahanga hanga ang ipinamalas na pagtalima ni San Jose sa kalooban ng Diyos kaya naman nararapat na siya ay ating tularan.
Maligayang Pagdiriwang ng Kapistahan ni San Jose, Barangay Sulucan!
Comments