Isinagawa sa Municipal Conference Hall ang Management Committee (Mancom) Meeting na dinaluhan ng mga opisyal ng pamahalaang lokal. Pinangunahan ito ni Punong Bayan Reynante S. Bautista, kasama sina Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, Konsehal William Vergel De Dios, at Konsehal Blem Cruz.
Sa naturang pulong, tinalakay ang mga ulat ng tagumpay mula sa bawat departamento ng lokal na pamahalaan. Ipinakita ang mga nagawa sa nakalipas na buwan, kabilang ang mga proyektong naghatid ng benepisyo sa mga mamamayan. Bukod dito, inilahad din ang mga nakatakdang plano at proyekto na layuning patuloy na paunlarin ang bayan.
Ang Mancom Meeting ay bahagi ng regular na inisyatibo ng pamahalaang lokal upang matiyak ang tuluy-tuloy na progreso ng bayan at magbigay ng mabilis na tugon sa mga pangangailangan ng mamamayan.
Commentaires