Sa pagtatapos ng taong 2022, sisimulan natin ang isang bagong kabanata kung saan haharapin ang higit na mabibigat na hamon taglay ang inspirasyon mula sa bunga ng papatapos na taon.
Mga minamahal kong Angatenyo, samahan po ninyo akong tuntunin ang landas tungo sa patuloy na pagsulong at higit na pagpapataas ng antas ng serbisyo publikong nararapat na isakatuparan upang makamit ang isang Bagong Angat.
Positibo po ang aking pananaw na makakamit natin ang ligtas, payapa at progresibong 2023 para sa ating bayan sa gabay ng Dakilang Lumikha at pakikiisa ng sang-Angatenyo.
Manigong Bagong Taon po sa lahat!
Comments