Ang weedy rice na kilala ding "up and down" at taas baba o halo, lahok, o weder-weder ay palay na mas matataas sa karaniwang palay at kulay kayumanggi at pula ang mga butil.
Marami sa ating ka-PALAY ang nag-aakalang mas maani ang weedy rice dahil aani ka na sa taas, may aanihin ka pa sa baba. Wrong information po ito!
Ayon sa mga pag-aaral, ang weedy rice ay pesteng-damo na nakababa ng 20-90% ng ani depende sa dami nito. Dumadami ang weedy rice kapag may kontaminasyon ang binhing ginamit.
PAMAMAHALA NG WEEDY RICE: · Panatilihin ang mababaw na patubig sa palayan para hindi tumubo ang mga nalaglag na buto ng weedy rice.
· Kung may weedy rice na sa palayan, bunutin ang buong palay o putulin agad ang mga uhay nito. · Linising mabuti ang mga makinang pangsaka bago gamitin sa pag-aani.
Sa darating na taniman: · Gumamit ng dekalidad na binhi.
· Sundin ang 21-30 araw na paghahanda ng lupa.
Source: DA-PhilRice
Comments