Tumanggap po ang Lokal na Pamahalaan ng Angat ng suporta para sa programang pangkabuhayan na Angat Waterlily Handicrafts Project nitong nakaraang Hulyo 12 sa pagtitipong ginagawa sa City of San Frrnando, Pampanga. Tinanggap ng kinatawan ng komunidad at ng ating LGU ang Certificate of Eligibility para sa Livelihood Assistance na nagkakahalaga ng Php 500,000.
Sa pamamagitan po nito, matutulungan natin ang 25 na indibidwal kasama ang kanilang pamilya mula sa komunidad ng Donacion at Niugan na gawing kabuhayan ang mga water hyacinth na nagiging sanhi ng pagbara sa mga palaisdaan. Ang mga water hyacinth na ito ay ginagawa po nating bag, banig, at basket na ibinebenta at ipinakikilala natin bilang lokal na produkto sa ating bayan.
Maraming salamat kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa patuloy na pagsuporta sa mga programang pangkabuhayan at pangkalikasan!
Comments