
Matagumpay na isinagawa ang opening ceremony ng Angat Inter-Barangay 2025 Basketball and Volleyball League sa Angat Municipal Gymnasium. Dinaluhan ito ng mga opisyal ng bayan at Sangguniang Kabataan (SK), kasama ang mga manlalaro at tagasuporta mula sa iba’t ibang barangay.
Sinimulan ang programa sa isang makulay na parada ng mga kalahok na koponan, kasunod ang pagbibigay ng mensahe ng mga panauhing pandangal. Nagbigay-inspirasyon sa mga manlalaro sina Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, at SK President Mary Grace Evangelista. Naroon din sina mga kasapi ng Sangguniang Bayan, Bokal Jay De Guzman, at kinatawan ni Gobernador Daniel Fernando, at iba pang opisyal ng pamahalaan.
Bilang bahagi ng seremonya, nanumpa ang mga manlalaro sa oath of sportsmanship, na nagpapahayag ng kanilang pangako sa patas at masayang kompetisyon. Matapos nito, isinagawa ang torch lighting, na sumisimbolo sa opisyal na pagsisimula ng liga.
Comments