top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Matagumpay na Pagsasagawa ng Bamboo Workshop sa Angat


Isang matagumpay na 3-day training ng The Bamboo Workshop, bahagi ng Bamboo Forest Development and Livelihood Project, ang naisagawa kamakailan kung saan 11 Angateño ang sumailalim sa masinsinang pagsasanay sa pag-propagate ng mga kawayan. Ang mga kawayan na kanilang pinalago ay nakatakdang itanim sa Angat River upang makatulong sa pangangalaga ng kalikasan at paglikha ng kabuhayan sa komunidad.


Ang proyektong ito ay naging posible sa pamamagitan ng inisyatibo ni Cong. Salvador Pleyto at sa pakikipagtulungan sa Philippine Bamboo Foundation at Department of Environment and Natural Resources (DENR).


Lubos na nagpapasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Angat kay Cong. Salvador Pleyto para sa kanyang mga makabuluhang programa na patuloy na ibinababa sa bayan. Pinasalamatan din si Edgardo Manda, Presidente ng Philippine Bamboo Foundation, at ang kanyang mga kasama na naging gabay at tagapagturo sa ating mga benepisyaryo.

1 view0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page