Isang malaking pasasalamat kay Senator Christopher Lawrence “Bong” Go para sa kanyang tulong sa ating mga kababayan! Ang matagumpay na pamamahagi ng Financial Assistance Payout ay nakarating sa 1,500 na benepisyaryo mula sa ating bayan.
Kasama sa programa ang buong suporta ng ating mga lider: Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, kinatawan ni Cong. Salvador Pleyto na si Former Mayor Russel Pleyto, at Philip Salvador. Kaisa rin sa programa ang MSWDO na pinangunahan ni Menchie M. Bollas at ang mga masisipag na kawani ng pamahalaang lokal.
Salamat sa inyong walang sawang malasakit para sa kapakanan ng ating mga kababayan!
Comments