top of page
bg tab.png

MAY FOREVER SA GULAYANGAT : Kasalang Bayan 2024

Writer: Angat, BulacanAngat, Bulacan

Bilang parte ng ika-3 taon ng GULAYANGAT FESTIVAL, nais din nating bigyang-pansin ang mga indibidwal na nakahanap na ng kanilang FOREVER at nais nai-level up ang kanilang pagsasama.


Huwag palampasin ang pagkakataong ito na gawing mas espesyal ang inyong pagmamahalan. Bukas na ang aplikasyon simula ngayong araw Hulyo 29, 2024 hanggang Agosto 23, 2024 para sa Libreng Kasalang Bayan na itatakda sa darating na ika-17 ng Oktubre, 2024. (40couples only!)


Ito ay para sa mga magkasintahan, live-in partner, engaged at lalo na sa mga nagsasama ng mahigit na limang taon at walang balakid upang maikasal. Ito na ang inyong pagkakataon upang mas pagtibayin pa ang inyong pagsasama.


Ang Kasalang Bayan ito ay LIBRE at kailangan lamang magpasa ng mga sumusunod na requirements:

1. PSA Birth Certificate ng bawat isa sa magpapakasal (free of charge);

2. Certificate of No Marriage (CENOMAR) ng bawat isa sa magpapakasal (free of charge);

3. Certificate of Attendance sa Pre-Marriage Orientation at/o Counseling Seminar;

4. Isang valid ID ng magpapakasal;

5. Duly accomplished application for Marriage License form;

6. Pinakabagong Community Tax Certificate o CEDULA;

7. Isang 1x1 ID picture (may puting background) ng bawat isa sa magpapakasal;

8. Pahintulot sa Kasal Ng magulang o guardian ng isang indibidwal na nasa edad na (kung ang aplikante ay nasa pagitan ng 18-21 taong gulang);

9. Death Certificate ng yumaong asawa (kung ang aplikante ay balo);

10. Certificate of Finality ng Annulment mula sa Korte (kung ang aplikante ay annulled).

Ito ay programa ng ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Mayor Reynante S. Bautista, sa pakikipagtulungan ng Office of the Municipal Civil Registrar para sa ating mga kababayan.

Para sa karadagdagan pang detalye, mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Tanggapan ng ating Local Civil Registrar.

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page