
Ang pagsasaka at pangisdaan ang pundasyon ng ating kabuhayan, kaya’t mahalagang bigyan natin ng sapat na suporta ang ating mga magsasaka at mangingisda. Sa pamamagitan ng pamamahagi ng farm at fishery equipment, mas napapalakas natin ang kanilang hanapbuhay at mas napapadali ang kanilang araw-araw na gawain.
Ang grasscutters ay makakatulong sa pagpapanatili ng maayos at malinis na mga lupang sakahan, habang ang mga fishnets ay magbibigay ng mas malaking oportunidad para sa masaganang huli. Sa tulong ng mga kagamitang ito, mas nagiging episyente ang produksyon ng pagkain at mas tumitibay ang sektor ng agrikultura at pangisdaan.
Dahil sa patuloy na pagsuporta sa ating mga pangunahing tagapagtaguyod ng pagkain, masisiguro nating walang maiiwan sa pag-unlad! Patuloy tayong magsasama-sama para sa mas masaganang agrikultura at mas matatag na kabuhayan na bunga ng #AsensoAtReporma
Comments