Ang mga produktong gawa sa waterlily ay patunay na ang likas na yaman ng Angat ay may natatanging potensyal. Kung datu ay itinuturing itong basura ng mga mangingisda, ngayon ay isang simbolo ng pagkamalikhain at sipag ng ating mga kababayan.
Sa pamamagitan ng mga kamay ng ating masisipag na mga manggagawa, ang waterlily ay nagiging de-kalidad na mga handicraft na hindi lamang kapaki-pakinabang, kundi nagbibigay rin ng dagdag kabuhayan sa ating komunidad.
Ipagmalaki natin ang mga produktong ito—gawa ng Angat, para sa buong mundo.
Comments