Nakiisa ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista sa kagaganap lamang na Municipal Clean-up day ngayong araw na may temang “Sa Sambayanang Nagtutulungan May Malinis at Ligtas na Pamayanan”.
Isinagawa ito sa Barangay ng Donacion at Niugan na dinaluhan nina Kap. Jessie Calderon, Kap. Viel Del Mundo, MENRO Eveliza De J. Guzman, MDRRMO Ma. Lourdes Alborida, at mga kawani mula sa Angat BFP.
Ang mga ganitong aktibidad ay isang indikasyon na ang pamahalaan katuwang ang pamayanan ay may masidhing layunin na pangalagaan ang ating kapaligiran sa pamamagitan ng mga simpleng hakbangin na tulad nito ngunit may positibong epekto sa ating komunidad.
Comentários